Ayon sa Ministry of Food and Drug Safety na kahit na ang umaga at gabi ay malamig sa taglagas, may panganib ng pagkalason sa pagkain sa araw kung kailan tumataas ang temperatura, kaya hinimok ng Ministry of Food and Drug Safety ang mga tao na mahigpit na sundin ang mga panuntunan ng pag-iwas sa pagkalason sa pagkain tulad ng pamamahala ng personal na kalinisan at pagmamasid sa temperatura ng imbakan ng nilutong pagkain.
Sa nakalipas na limang taon, may kabuuang 341 na kaso ng pagkalason sa pagkain ang naganap sa taglagas (Setyembre hanggang Nobyembre), at ang bilang ng mga pasyente ay 9,236 katao. Kabilang sa mga ito, ang kabuuang 26 porsyento(26%)ng pagkalason sa pagkain ay sinuri at ito ay dulot ng pathogenic E. coli at Salmonella.
Ang pagkalason sa pagkain ay madalas na naganap sa mga restawran sa taglagas, na may 225 kaso (66%), na sinusundan ng kapiterya(canteen)tulad ng mga kindergarten at daycare center na may 40 kaso (12%), at mga kapiterya(canteen) ng paaralan na may 23 kaso (7%).
Ang mga pangunahing sanhi ng pathogenic E. coli food poisoning sa taglagas ay mga gulay tulad ng hilaw na gulay at karne, habang ang salmonella food poisoning ay sanhi ng mga pagkaing niluto ng itlog tulad ng egg roll at kumplikadong mga lutong pagkain tulad ng kimbap.
Upang maiwasan ito, ang espesyal na pagtuunan ng pansin ang pamamahala ng personal na kalinisan, pag-iimbak at pagkonsumo ng lutong pagkain, atbp.
Una, bago magluto ng pagkain at pagkatapos gumamit ng banyo, dapat mong hugasan ang iyong mga kamay nang maigi sa ilalim ng tubig na umaagos nang hindi bababa sa 30 segundo gamit ang sabon o iba pang hand sanitizer. Pagkatapos hawakan ang mga itlog, hilaw na karne, atbp., dapat mong hugasan muli ang iyong mga kamay bago magluto.
Sa partikular, pinakamainam na ubusin ang nilutong pagkain sa loob ng 2 oras kung maaari, at kung kumain ka ng lutong pagkain tulad ng gimbap o lunch box sa mga aktibidad sa labas, dapat mong ilipat at iimbak ito sa ref gamit ang isang icebox, atbp.
Bukod pa rito, magandang ideya na suriin kung may pagkasira bago ubusin ang pagkain at itapon ang anumang pinaghihinalaang pagkain.
Ang mga kagamitan sa pagluluto tulad ng mga kutsilyo at cutting board ay dapat gamitin nang hiwalay ng mga sangkap tulad ng karne, isda, gulay, at prutas upang maiwasan ang cross-contamination. Kapag naghuhugas ng mga kagamitan sa pagluluto ng karne, huwag gumamit ng mga sangkap na kinakain nang hindi niluluto o nilutong pagkain sa kanilang paligid. Iminumungkahi na alisin ang pagkain nang maaga at mag-ingat na huwag mahawa ito ng mga talsik ng tubig na panghugas.
(한국어 번역)
한국다문화뉴스 = 데스 시민기자ㅣ식약처는 가을철 아침과 저녁은 쌀쌀하지만 기온이 올라가는 낮에는 식중독 발생 우려가 있어 개인 위생관리와 조리식품 보관온도 준수 등 식중독 예방수칙을 철저히 지켜줄 것을 당부했다.
최근 5년간 가을철(9월~11월)에 총 341건의 식중독이 발생했고 환자수는 9,236명이었으며, 이 중 병원성대장균, 살모넬라로 인한 식중독이 전체 발생의 26%를 차지하는 것으로 분석되었다.
가을철 식중독 발생 장소는 음식점 225건(66%), 유치원·어린이집 등 집단급식소 40건(12%), 학교급식소 23건(7%) 순으로 음식점에서 가장 많이 발생한 것으로 나타났다.
가을철 병원성 대장균 식중독의 주요 원인 식품은 생채 등 채소류와 육류였고, 살모넬라 식중독은 계란말이 등 달걀 조리식품, 김밥 등 복합조리식품 순이었다.
이를 예방하기 위해서는 개인 위생관리, 조리된 음식의 보관·섭취 등에 특별히 주의를 기울여야 한다다.
우선 음식을 조리하기 전, 화장실 사용 후에는 비누 등 손 세정제를 이용해 흐르는 물에 30초 이상 깨끗하게 손을 씻어야 하며, 달걀, 생고기 등을 만진 후에도 반드시 손을 다시 씻고 조리해야 한다.
특히 조리된 음식은 가급적 2시간 이내에 섭취하는 것이 좋고 야외활동 시 김밥, 도시락 등 조리음식을 섭취하는 경우 아이스박스 등을 이용해 냉장 상태로 이동·보관해야 한다.
또한, 음식을 섭취하기 전에 변질 여부를 확인하여 의심되는 식품은 폐기하는 것이 좋다.
칼, 도마 등 조리도구는 교차오염을 방지하기 위해 육류, 생선, 채소·과일 등 식재료별로 구분해 사용해야 하며, 육류를 조리한 도구 등을 세척할 때는 그 주변에 조리 없이 바로 섭취하는 식재료나 조리된 음식은 미리 치워 세척한 물이 튀어 오염되지 않도록 주의하는 것이 바람직하다.