Ang Tigdas na laganap sa ibang bansa, alamin nang maaga at iwasan.

  • 등록 2024.02.26 16:50:17
크게보기

 

Kamakailan, ang bilang ng mga kaso ng tigdas ay tumaas sa buong mundo, at ang panganib ng mga kaso ng tigdas na kumakalat sa South Korea mula sa ibang bansa ay tumataas din. kaya kailangan ng espesyal na pag-iingat.

 

Ang tigdas ay pangunahing kumakalat sa pamamagitan ng mga droplet at lubhang nakakahawa. Ang virus ng tigdas ay isang sakit na nakakahawa sa respiratory tract. Ang mga pangunahing sintomas sa pagkakaroon ng tigdas ay kahalintulad ng sa flu gaya ng ubo, sipon, at conjunctivitis. Kasabay ng mataas na lagnat, may lumalabas na pantal simula sa mukha at sa buong katawan.

 

Ang tigdas ay isang sakit na nangangailangan ng paghihiwalay ng hanggang 4 na araw pagkatapos lumitaw ng pantal. Kung ang isang pinaghihinalaang pasyente ng tigdas ay naganap sa isang pasilidad tulad ng paaralan, kindergarten, o akademya, inirerekomenda na huminto kaagad sa pagpasok sa paaralan matapos matukoy hanggang 4 na araw pagkatapos lumabas ang mga pantal.

 

Sa karamihan ng mga kaso, bumubuti ang kondisyon nang walang espesyal na paggamot sa pamamagitan ng sapat na pahinga, pag-iingat, o sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahalumigmigan at nutrisyon. Gayunpaman, kung may mga komplikasyon mula sa tigdas tulad ng otitis media, pneumonia, dehydration, o pagsusuka, kinakailangan ang pagpapaospital.

 

Kapag nagkasakit at gumaling sa tigdas ay magkakaroon ng immunity. Gayunpaman, dahil sa madaling makahawa, inirerekumenda na magpabakuna dahil sa mga pangalawang kumplikasyon tulad ng pneumonia.

 

Ang paraan para maiwasan ang tigdas bago maglakbay sa ibang bansa ay pagtanggap ng dalawang dosis ng preventive vaccine (MMR, tigdas, beke, at rubella). Kung hindi nakatanggap ng parehong dosis o hindi sigurado kung nabakunahan, inirerekomenda na bumisita sa isang institusyong medikal at tumanggap ng dalawang dosis sa pagitan ng 4 na linggo.

 

Habang naglalakbay, inirerekumenda na magsagawa ng masusing personal na kalinisan, tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pag-obserba ng etika sa pag-ubo, hindi paghawak sa mga mata, ilong, at bibig ng hindi naghuhugas ng mga kamay, at pagsuot ng mask kapag nakararanas ng anumang kahina-hinalang sintomas.

 

Ang tigdas ay may incubation period na 7 hanggang 21 na araw, kaya kung mayroong kahina-hinalang sintomas tulad ng lagnat o pantal na lumitaw pagkatapos ng paglalakbay, iwasan ang paggamit ng pampublikong tansportasyon hangga’t maaari, magsuot ng mask at bawasan ang pakikihalubilo sa ibang tao, bumisita sa institusyong medikal, at magtanong. Dapat malaman ang mga medikal na kawani tungkol sa kasaysayan ng iyong paglalakbay sa ibang bansa.

 

Sa partikular, kailangan ang pag-iingat dahil higit sa 90% ng mga taong walang sapat na kaligtasan sa sakit ang maaaring magkaroon ng tigdas kung sila ay nakipag-ugnayan sa isang pasyeneng may tigdas.

 

 

 

(한국어 번역)

한국다문화뉴스 = 데스 시민기자ㅣ최근 전 세계적으로 홍역 환자 발생이 증가하고, 우리나라도 해외 유입을 통한 홍역 환자 발생 위험이 증가하고 있어 각별한 주의가 필요하다.

 

홍역은 주로 비말을 통해 전파되어 감염력이 매우 높다. 홍역 바이러스에 의해 호흡기가 감염되는 질병으로 홍역에 걸리면 초기에 감기처럼 기침, 콧물, 결막염 등의 증상이 나타나고, 고열과 함께 얼굴에서 시작해서 온몸에 발진이 나타난다. 

 

홍역은 발진이 나타나고 4일까지 격리가 필요한 질환으로, 홍역 의심환자가 학교, 유치원, 학원 등 단체시설에서 발생한 경우 발견 즉시부터 발진 발생 후 4일까지 등교 중지가 권장된다. 

 

대개는 특별한 치료 없이 충분한 휴식 및 안정을 취하거나 수분과 영양 공급 등으로도  호전된다. 그러나 홍역으로 인한 합병증인 중이염, 폐렴, 설사·구토로 인한 탈수 등이 있는 경우 입원 치료가 필요하다.

 

홍역은 한번 걸린 후 회복되면 면역을 얻게 된다. 하지만 폐렴 등 2차 합병증이 생기기 쉽기 때문에 예방 접종을 하는 것이 좋다.

 

해외여행 전 홍역 예방법은 예방백신(MMR, 홍역·유행성이하선염·풍진) 2회 모두를 접종하는 것이다. 2회 모두 접종하지 않았거나 접종 여부가 불확실한 경우, 의료기관에 방문하여 4주 간격으로 2회 접종받는 것이 좋다.

 

여행 중에는 자주 손 씻기, 기침 예절 지키기, 씻지 않는 손으로 눈·코·입 만지지 않기, 의심 증상 시 마스크 착용 등 개인위생을 철저히 하는 것이 좋다.

 

홍역은 7~21일의 잠복기가 있어 여행 후 발열, 발진 등 의심 증상이 나타난 경우, 가급적 대중교통 이용을 자제하고, 마스크 착용 및 다른 사람과의 접촉을 최소화하여 의료기관에 방문하여 의료진에게 해외 여행력을 알려야 한다.

 

특히 면역이 불충분한 사람이 홍역 환자와 접촉하게 되면 90% 이상 홍역에 걸릴 수 있어 주의가 필요하다.

데스 시민기자
Copyrightⓒ2021 한국다문화뉴스. all right reserved.

경기도 수원시 장안구 송원로39 월드타워 304호 | 대표전화 : 031-406-1170 | 발행법인 : 주식회사 몽드 | 발행인 대표이사 : 강성혁  등록일 : 2013년 5월 13일 | 정기간행물번호 : 경기 다50353 | 인터넷신문 : 경기 아 51486 「열린보도원칙」 당 매체는 독자와 취재원 등 뉴스이용자의 권리 보장을 위해 반론이나 정정보도, 추후보도를 요청할 수 있는 창구를 열어두고 있음을 알려드립니다. 고충처리인 : 정영한 / TEL : 031-352-1175 / sdjebo2@naver.com 한국다문화뉴스의 모든 콘텐츠는 한국다문화뉴스 또는 제공처에 있으며 저작권법의 보호를 받습니다. 이를 무단 이용하는 경우 저작권 법 등에 따라 법적책임을 질 수 있습니다. Copyrightⓒ2021 한국다문화뉴스. all right reserved.  | sdjebo@naver.com