Kung hindi mo dala ang iyong pagkakakilanlan(ID) kapag pupunta sa Ospital o Parmasya ikaw ay magbabayad ng buong halaga ng Medikal na gastusin.

  • 등록 2024.05.31 14:28:59
크게보기

병원, 약국 갈 때 신분증 안 가져가면 진료비 전액 부담

 

Simula Mayo 20, kailangan na dalhin ang iyong pagkakakilanlan(ID) kapag ikaw ay bibisita sa ospital at parmasya. Kung ang pasyente ay hindi magdadala ng pagkakakilanlan(ID), ang pasyente ay hindi saklaw ng health insurance at kailangang bayaran ang buong halaga ng medikal na gastusin.

 

Maaaring gamitin ang ID card para patunayan ang iyong pagkakakilanlan, gaya ng resident registration card o driver's license, at maaari din gamitin ang health insurance card, passport, national veterans registration card, disabled person registration card, alien registration card, o permanent residency.

 

Maaring gamitin anumang sertipiko o dokumentong inisyu ng isang administratibong ahensya o pampublikong institusyon na naglalaman ng larawan kasama ang iyong resident registration number o alien registration number na nagpapatunay na ang iyong pagkakakilanlan.

 

Hindi pinahihintulutan ang mga ID card, mga kopya ng ID card, mga sertipiko o mga dokumentong lumampas sa petsa ng bisa nito, o mga bagong pasaporte na kinunan ng larawan. Ang bagong pasaporte ay hindi kasama ang mga huling numero ng resident registration number, kaya kailangan ng sertipikong imporyamsyon ng pasaporte para kilalanin ang bagong pasaporte bilang balidong pagkakakilanlan(ID).

 

Ang sistema ay binago upang maiwasan ang kamakailang pagdami ng mga kaso ng iligal na paggamit ng health insurance, tulad ng pagpapahiram o pagnanakaw ng health insurance gamit ang pangalan ng ibang tao. Ang isa pang layunin ay upang maiwasan ang paggamit sa pananalapi ng health insurance at maiwasan ang pag-abuso sa droga at mga aksidente sa droga gamit ang mga dokumento at pagkakakilanlan ng ibang tao.

 

Kung naiwan mo ang iyong ID card, maaari mong gamitin ang mobile health insurance card app upang suriin ito, ang mga wala pang 19 taong gulang at mga pasyente na nasa agarang pangangalaga ay maaaring gamitin ang kanilang resident registration number upang patunayan ang kanilang pagkakakilanlan kahit walang ID card.

 

Kung hindi ka saklaw ng health insurance dahil sa kakulangan ng ID at kailangang bayaran ang buong halaga ng medikal na gastusin, maaari kang muling makipagkasundo sa halagang saklaw ng health insurance sa loob ng 14 na araw sa pamamagitan ng pagdadala ng iyong ID card, resibo ng bayad sa medikal na gastusin, at iba pang mga dokumento na hiniling ng institusyong medikal.

 

Samantala, kung kailangan mo ng agarang medikal na pangangalaga, maaari kang bumisita pagkatapos suriin ang E-Gen. Sa kaso ng isang agarang pangangalaga, pinakamahusay na suriin nang maaga ang impormasyon sa mga bukas na pangkalahatang ospital sa pamamagitan ng Emergency Medical Portal (E-Gen).

 

 

 

 

(한국어 번역)

한국다문화뉴스 = 자넷 시민기자ㅣ5월 20일부터 병원과 약국을 방문할 때 신분증을 꼭 가져가야 한다. 신분증을 가져가지 않으면 환자가 건강보험을 적용받지 못해 진료비 전액을 부담해야한다.

 

신분증은 주민등록증, 운전면허증 등 본인 확인이 가능한 신분증명서이며, 건강보험증, 여권, 국가보훈등록증, 장애인등록증, 외국인등록증, 영주등도 가능하다.

 

행정기관 또는 공공기관이 발행한 증명서이면서 사진이 붙어있고 주민등록번호 또는 외국인등록번호가 포함되어 본인임이 확인할 수 있는 증명서 또는 서류면 가능하다.

 

신분증을 촬영한 사진이나 신분증 사본, 유효기간이 지난 증명서나 서류, 신여권은 불가능하다. 신여권은 주민등록번호 뒷자리가 기재되지 않아, 여권 정보 증명서가 있어야 신여권이 신분증으로 인정받을 수 있다.

 

최근 늘어난 다른 사람 명의로 건강보험을 대여하거나 도용하는 부정수급 사례를 예방하고자 제도가 변경됐다. 또 건강보험 재정 누수를 막고 타인 신분증명서 등을 이용한 약물 오남용, 마약류 사고를 방지하려는 목적도 있다.

 

만약 신분증을 두고 왔다면, 왔다면 모바일 건강보험증 앱으로 대신 확인 가능하며, 19세 미만, 응급환자는 신분증 없이 주민등록번호로 본인 확인이 가능하다.

 

신분증이 없어 건강보험을 적용받지 못해 진료비 전액을 부담했다면, 14일 이내 신분증과 진료비 영수증 등 기타 요양기관이 요구한 서류를 지참하면 건강보험이 적용된 금액으로 다시 정산이 가능하다.

 

한편, 응급의료가 필요할 때 E-Gen 확인 후 방문하면 된다. 응급 상황이라면 응급의료포털(E-Gen)을 통해 문 여는 상급종합병원의 정보를 미리 확인하는 것이 좋다.

자넷 시민기자
Copyrightⓒ2021 한국다문화뉴스. all right reserved.

경기도 수원시 장안구 송원로39 월드타워 304호 | 대표전화 : 031-406-1170 | 발행법인 : 주식회사 몽드 | 발행인 대표이사 : 강성혁  등록일 : 2013년 5월 13일 | 정기간행물번호 : 경기 다50353 | 인터넷신문 : 경기 아 51486 「열린보도원칙」 당 매체는 독자와 취재원 등 뉴스이용자의 권리 보장을 위해 반론이나 정정보도, 추후보도를 요청할 수 있는 창구를 열어두고 있음을 알려드립니다. 고충처리인 : 정영한 / TEL : 031-352-1175 / sdjebo2@naver.com 한국다문화뉴스의 모든 콘텐츠는 한국다문화뉴스 또는 제공처에 있으며 저작권법의 보호를 받습니다. 이를 무단 이용하는 경우 저작권 법 등에 따라 법적책임을 질 수 있습니다. Copyrightⓒ2021 한국다문화뉴스. all right reserved.  | sdjebo@naver.com