Sa gitna ng mga ulat ang mga residente ng lalawigan ay napinsala dahil sa application(apps) na may pagkakapareho sa 'The Gyeonggi Pass', ang Gyeonggi-do ay kumikilos, at nagsasabing, 'Walang The Gyeonggi Pass app.'
Ayon sa Gyeonggi-do, walang app na pinangalanang 'The Gyeonggi Pass', at para magamit ang 'The Gyeonggi Pass', kailangan mong gamitin ang K-Pass app.
Ang sinumang nais makinabang sa 'The Gyeonggi Pass' ay dapat kumuha ng K-Pass card sa pamamagitan ng website o app ng kumpanya ng banko/card. Pagkatapos, irehistro ang card at mag-sign up para maging kasapi sa website ng K-Pass. Sa oras na ito, kapag nakumpirma ang iyong tirahan, kusa mong matatanggap ang mga benepisyo ng 'The Gyeonggi Pass'.
Pinalalawak ng The Gyeonggi Pass ang limitasyon ng K-Pass na 60 biyahe bawat buwan hanggang sa wala ng limitasyon, at sumasaklaw sa 20-53% ng mga gastos sa pampublikong transportasyon bawat buwan(30% para sa mga kabataan na nasa 20s at 30s, 20% para sa mga nasa 40s pataas, at 53% para sa mga taong mababa ang kita).
Ang pamantayan para sa mga kabataang kwalipikado para sa balik na 30% ay pinalawak din mula sa edad na 19~34 taong gulang hanggang 19~39 taong gulang. Ang aplikasyon para sa 'Gyeonggi-do Children and Youth Transportation Cost Support Project', na nagbibigay ng 240,000 won bawat taon upang bawasan ang mga gastos sa transportasyon para sa mga bata at kabataan na hindi kwalipikado para sa proyekto, ay tinanggap din mula noong ika-2.
Maaaring suriin ng mga residente ng Gyeonggi-do ang ‘impormasyon sa aplikasyon at paraan sa paggamit ng The Gyeonggi Pass, mga benepisyo, atbp.’ sa Gyeonggi-do website o tumanggap ng tulong sa pamamagitan ng Gyeonggi Provincial Office Customer Service Center(031-120).
Ipinahayag ng isang opisyal ng Gyeonggi-do, na ang "The Gyeonggi Pass ay isang pangalan ng benipisyo para sa suporta sa gastos sa transportasyon para sa mga residente ng Gyeonggi-do, at walang opisyal na app na ginawa ang Gyeonggi-do."Dagdag niya, "Patuloy kaming magsisikap na aktibong isulong ito upang maiwasang mapinsala ang mga residente". “Diin niya".
(한국어 번역)
한국다문화뉴스 = 자넷 시민기자ㅣ더(The) 경기패스와 유사 애플리케이션(앱) 때문에 도민들이 피해를 입고 있다는 보도가 나온 가운데 경기도가 ‘더(The) 경기패스 앱은 없다’며 적극 대응에 나섰다.
경기도에 따르면 ‘더(The) 경기패스’란 이름의 앱은 없으며 더(The) 경기패스를 이용하기 위해서는 K-패스 앱을 이용해야 한다.
더(The) 경기패스 정책의 혜택을 받기 원하는 사람은 반드시 은행/카드사 홈페이지 또는 앱을 통해서 K-패스 카드를 발급받아야 한다. 이후 K-패스 홈페이지에서 카드 등록 및 회원가입을 하게 되는데, 이때 거주지 인증을 하면 자동으로 더(The) 경기패스 혜택을 받게 되는 구조다.
더(The) 경기패스는 K-패스의 월 60회 한도를 무제한으로 확대하고, 매달 대중교통 비용의 20~53%(20·30대 청년 30%, 40대 이상 20%, 저소득층 53%)를 환급해 준다.
30% 환급 대상인 청년의 기준도 19~34세에서 19~39세까지 확대했다. 사업 대상이 아닌 어린이와 청소년의 교통비 절감을 위해 연간 24만 원을 지원하는 ‘경기도 어린이·청소년 교통비 지원사업’ 신청도 지난 2일부터 받고 있다.
경기도민은 경기도 홈페이지에서 ‘더(The) 경기패스의 신청 및 이용 방법, 혜택 등의 정보’를 확인하거나 경기도청 고객센터(031-120)를 통해 도움을 받을 수 있다.
경기도 관계자는 “더(The) 경기패스는 경기도민을 위한 교통비 지원 정책의 이름으로, 경기도가 제작한 공식 앱은 없다”라며 “이런 점을 적극 홍보해 도민들이 피해를 보는 일이 없도록 계속 노력하겠다”고 강조했다.