Habang naglalakad sa kalsada ng walang iniisip, may nakita akong butas sa daan na puno ng tubig ulan. Ang mga lubak ay tinatawag na landmine sa kalsada. Ang tubig-ulan na naipon sa mga lubak ay isang kadahilanan sa panganib na nagbabanta sa kaligtasan sa mga pedestrian dahil nakakasagabal ito sa ligtas na pagmamaneho ng mga driver at may posibilidad na humantong sa aksidente.
Sa partikular, sa panahon ng tag-ulan mula Hulyo hanggang Agosto, pumapasok ang tubig-ulan sa pagitan ng aspalto sa kalsada, na nagreresulta ng maraming lubak.
Sa kasong ito, saan ito dapat iulat? Ang pinakamadaling paraan ay iulat ito sa pamamagitan ng Safety Report(ulat sa kaligtasan). Ang Safety Report(ulat sa kaligtasan) ay isang sistema na nagbibigay-daan sa mga mamamayan upang madaling mai-ulat ang anumang mga panganib sa kaligtasan sa kanilang pang-araw-araw na buhay, anumang oras, kahit saan.
Itinalaga ng Ministry of Security and Public Administration ang may kaugnay na ahensya upang agarang iproseso ang iniulat na impormasyon.
Upang mag-ulat, maaari mong gamitin ang website ng Saferty Report(https://www.safetyreport.go.kr/) o i-install ang app na Saferty Report(ulat sa kaligtasan) sa iyong mobile phone. Ang iba't ibang mga kadahilanan ng panganib sa kaligtasan na maaaring maramdaman ng mga mamamayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay, mga lugar ng pangkaligtasan sa trapiko tulad ng pinsala sa mga pasilidad at kalsada, at mga lugar ng pangkaligtasan sa paaralan tulad ng mga ruta, ay napapailalim sa pag-uulat ng kaligtasan.
Kapag nasaksihan ang mga panganib sa kaligtasan, maaari mong punan ng isang simpleng ulat sa pamamagitan ng pag-lagay ng larawan o video na kinunan, tukuyin ang lokasyon sa mapa, at isumite ito.
Kinunan ko rin ang mga larawan ng mga lubak na nakita ko, nagsulat ng isang simpleng ulat gamit ang website ng Safety Report(ulat sa kaligtasan), at minarkahan ang eksaktong lokasyon sa mapa upang humiling para sa pag-aayos ng kalsada.
Pagkatapos pindutin ang menu ng panimula sa website ng Safety Report(ulat sa kaligtasan) at kapag pinindot ang menu ng mapa, maaari mong makita ang kalagayan ng pag-uulat ayon sa uri sa loob ng isang partikular na lugar. Bago mag-ulat, magandang ideya na suriin kung ang parehong mga detalye ay umiiral bago ito iulat.
Inihayag ng Ministry of Security and Public Administration ang ‘kalamidad sa tag-init.’ mula Hunyo hanggang Agosto 31. Nagsagawa ng isang 'panahon ng masinsinang pag-uulat para sa kadahilanan ng panganib sa kaligtasan'. Ang mga kadahilanan ng panganib sa kaligtasan tulad ng mga alalahanin tungkol sa pagbaha sa mga espasyo sa ilalim ng lupa dahil sa malakas na ulan o mga bagyo, pinsala sa mga pasilidad dahil sa matinding init, abala sa silungan dahil sa mainit na panahon, at pinsala sa mga pasilidad sa palaruan ng tubig ay iniulat sa pamamagitan ng Safety Report(ulat sa kaligtasan).
Ang mga mamamayan na lumahok sa panahon ng masinsinang pag-uulat ay bibigyan ng mobile coupon(na nagkakahalaga ng 5,000 won) sa pamamagitan ng raffle.
(한국어 번역)
한국다문화뉴스 = 자넷 시민기자ㅣ무심코 길을 걷다가 빗물이 가득 고인 도로 위 구멍을 보았다. 도로 위 지뢰라고 불리는 포트홀이다. 포트홀에 고인 빗물은 운전자의 안전한 운전을 방해하고 2차 사고로 이어질 가능성이 있어 보행자의 안전까지도 위협하는 위험요소이다.
특히나 7~8월의 장마철에는 도로의 아스팔트 사이로 빗물이 들어가 더 많은 포트홀이 발생하기도 한다.
이런 경우 어디에 신고해야 할까? 가장 간편한 방법은 안전신문고를 통한 신고이다. 안전신문고는 국민 누구나 생활 주변의 안전 위험요인을 발견하면, 언제 어디서나 손쉽게 신고할 수 있는 시스템이다.
신고된 내용은 행정안전부에서 해당 기관을 지정하여 신속히 처리하도록 운영되고 있다.
신고를 위해서는 안전신문고 누리집(https://www.safetyreport.go.kr/)를 이용하거나, 휴대전화에 안전신문고 앱을 설치해서 신고하는 방법이 있다. 생활 시설물, 도로 파손 등의 교통 안전 분야, 통학로 등 학교 안전 분야 등 국민이 생활에서 느낄 수 있는 여러 안전 위험요인 모두 안전 신고 대상이다.
이러한 안전 위험요인을 목격했을 때 찍은 사진이나 동영상을 첨부하여 간단한 신고내용을 작성하고, 지도상의 위치를 지정하여 제출하면 된다.
나도 목격한 포트홀 사진을 찍어 안전신문고 누리집을 이용하여 간단한 신고내용을 작성하고 지도에 정확한 위치를 표시하여 도로 보수 요청을 했다.
안전신문고 누리집에서 안전신문고 소개 메뉴를 선택한 후, 신고현황 지도 메뉴를 클릭하면 일정 지역 내의 유형별 신고 현황을 볼 수 있다. 신고를 하기 전에 동일한 신고 내역이 존재하는지 확인 후, 신고를 하는 것도 좋다.
행정안전부에서는 6월부터 8월 31일까지 ‘여름철 재난. 안전 위험요소 집중신고 기간’을 운영한다. 호우나 태풍으로 인한 지하공간 침수 우려 요인, 폭염으로 인한 시설 파손이나 무더위 쉼터 불편 사항, 물놀이 시설 파손 등의 안전위험 요소를 안전신문고를 통해 신고받는다.
집중신고 기간 동안 신고에 참여한 국민은 추첨을 통해 모바일 쿠폰(5,000원 상당)을 지급할 예정이다.