Ang Ministry of Food and Drug Safety ay nagpahayag na, dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kosmetiko na binibili nang direkta mula sa mga online sa ibang bansa kamakailan, nagbibigay ito ng patnubay sa kung ano ang dapat ingatan kapag direktang bumili ng mga kosmetiko sa ibang bansa at kapaki-pakinabang na impormasyon na dapat malaman upang maiwasan ang pinsala sa mamimili.
Ang mga opisyal na inaangkat na produkto ay iniinspeksyon ng isang responsableng lokal na nagbebenta ng mga kosmetiko upang kumpirmahin na ang mga ito ay nakakatugon sa mga pamantayan sa kaligtasan*, ngunit kung isasaalang-alang na walang hiwalay na pamamaraan ng pag-inspeksyon para sa mga kosmetiko na binibili ng direkta mula sa ibang bansa, inirerekumenda na bumili ng mga opisyal na inaangkat na mga produkto, at ang mga pag-iingat sa pagbili ng mga kosmetiko sa ibang bansa ay ang mga sumusunod na nasa ibaba.
Una, dahil ang mga pampaganda ay hindi mga gamot, hindi ka dapat malinlang ng mga mali o malalaking adbertisment sa mga site ng mga binibili ng direkta mula sa ibang bansa na para bang ang mga pampaganda ay may mga medikal na benepisyo o epekto tulad ng pagpapabuti ng balat, pampawala ng pamamaga, o pampawala ng taba.
Pangalawa, kahit na mayroong mga pampaganda na may parehong pangalan ng produkto sa Korea, ang mga sangkap at nilalaman ng produkto ay maaaring mag-kaiba dahil sa mga pagkakaiba ng materyales na ipinagbabawal na gamitin sa bawat bansa. Kung gusto mong malaman kung naglalaman ito ng mga sangkap na ipinagbabawal sa Korea, maaari kang maghanap pagkatapos suriin ang pangalan ng materyales at lahat ng sangkap sa opisyal na website ng produkto at website ng bentahan.
Pangatlo, suriing mabuti ang detalyadong manwal ng produkto o ang label sa ibabaw ng produktong kosmetiko ▲ Kumonsulta sa isang espesyalista kung may anumang di-pangkaraniwang sintomas o epekto tulad ng mga red spot, pamamaga, o pangangati ▲ Iwasan ang manatili sa sikat ng araw at huwag ilantad sa mga bata.
Kung magkaroon ng pinsala pagkatapos bumili ng mga pampaganda na binili nang direkta mula sa ibang bansa, maaari kang mag-aplay para sa pagpapayo sa ‘Crossborder Transaction Consumer Portal(https://crossborder.kca.go.kr) > humiling ng pagpapayo’ na pinamamahalaan ng Korea Consumer Agency > maaari ring suriin ang mga kaso ng pinsala sa 'Kosmetiko'.
Samantala, ang Ministry of Food and Drug Safety ay nasa proseso ng pagbili at pag-inspeksyon ng 100 piraso ng kosmetiko na ibinebenta sa mga plataporma ng direktang pagbili mula sa ibang bansa upang protektahan ang mga lokal na mamimili. Kung ang isang produkto ay makikitang hindi sapat ang kalidad, ang mga naaangkop na hakbang ay gagawin, tulad ng pagpigil sa site at paghiling na ipagbawal ang pagbebenta sa ibang bansa.
(한국어 번역)
한국다문화뉴스 = 자넷 시민기자ㅣ식품의약품안전처는 최근 해외 온라인 플랫폼으로 구매되는 해외직구 화장품이 급증함에 따라 소비자 피해를 예방하기 위해 해외 화장품을 직접 구매할 때 주의해야 할 사항과 알아두면 도움이 되는 정보를 안내한다고 밝혔다.
정식으로 수입되는 제품은 국내 화장품책임판매업자가 검사하여 안전기준*에 적합함을 확인하고 있으나 해외직구 화장품은 별도의 검사 절차가 없다는 점을 고려하여 정식 수입 제품을 구매하는 것을 권장하며, 해외 화장품 구매 시 주의사항은 아래와 같다.
첫째, 화장품은 의약품이 아니므로, 해외직구 사이트에서 화장품을 피부염 호전, 염증 완화, 지방분해 등 의학적 효능·효과가 있는 것처럼 허위·과대광고하는 경우 이에 현혹되어 구매하면 안 된다.
둘째, 국내에 같은 제품명을 가진 화장품이 있더라도 국가별로 사용금지 원료에 차이가 있어 제품의 성분·함량이 다를 수 있다. 만약 국내에서 사용을 금지한 성분이 들어있는지 궁금할 경우, 제품 공식 홈페이지 및 판매 홈페이지에서 원료명, 전성분 등을 확인한 후 검색할 수 있다.
셋째, 제품 상세 설명서나 화장품 겉면 표시사항을 꼼꼼하게 확인하고, ▲붉은 반점, 부어오름, 가려움증 등의 이상 증상이나 부작용이 있는 경우 전문의 등과 상담 ▲상처가 있는 부위에는 사용을 자제 ▲직사광선을 피해서 어린이의 손에 닿지 않는 곳에 보관 등 주의사항을 잘 숙지하는 것이 바람직하다.
만약 해외직구 화장품을 구매한 후 피해가 발생하면, 한국소비자원에서 운영하는 ‘국제거래소비자포털(https://crossborder.kca.go.kr) > 상담신청’에서 상담을 신청할 수 있으며, ‘상담사례 > 화장품’에서는 피해사례도 확인할 수 있다.
한편, 식약처는 국내 소비자 보호를 위해 해외직구 플랫폼에서 판매되는 100개 화장품 대상으로 구매·검사 진행 중에 있다. 만약 품질 부적합 제품으로 확인될 경우 해당 사이트 차단, 해외 플랫폼에 판매금지 요청 등 적절한 조치를 할 예정이다.