Inanunsyo ng Korea Disease Control and Prevention Agency noong ika-19 na sisimulan ang pagbabakuna laban sa trangkaso(influenza) sa buong bansa sa panahon ng 2024-2025 mula ika-20 hanggang Abril 30 ng susunod na taon.
Ang pagbabakuna laban sa trangkaso(influenza) sa buong bansa ay ibinibigay nang walang bayad sa mga batang may edad na 6 na buwan hanggang 13 taong gulang, mga buntis, at mga nakatatanda na may edad na 65 taong gulang o mas matanda pa na may mataas na panganib na maging malala kapag nahawahan ng trangkaso, bilang paghahanda para sa epidemya ng trangkaso ngayong taglamig.
Ang mga batang kwalipikadong tumanggap para sa pangalawang dosis ay magsisimula sa ika-20, at ang mga bata at mga buntis na kwalipikadong tumanggap para sa unang dosis ay magsisimula sa ika-2 ng susunod na buwan.
Sa partikular, ang mga nakatatanda na higit sa 65 taong gulang ay magsisimula ang pagbabakuna ayon sa antas ng edad sa parehong araw ng pagbabakuna laban sa COVID-19 mula ika-11 ng susunod na buwan, at inirerekomenda ang sabay na pagbabakuna sa parehong araw.
Ginagamitan ang bakunang ito ng quadrivalent vaccine na naglalaman ng lahat ng inirerekomenda ng World Health Organization(WHO), at pipirma ng isang kontrata para sa pagkuha ng 11.7 milyong dosis at ang paghatid ay nakatakdang makumpleto bago ang panahon ng pagpapatupad ng proyekto ng pagbabakuna para sa mga kwalipikadong tatanggap.
Kahit na ikaw ay hindi kwalipikadong tumanggap para sa pagbabakuna laban sa trangkaso(influenza) sa buong bansa, maaari ka pa ring magpabakuna sa isang pambungad(front-line) na institusyong medikal para sa isang bayad na itinalagang mga institusyong medikal at mga pampublikong sentro ng kalusugan na maaaring magbigay ng pagbabakuna ay maaaring suriin sa website ng Vaccination Assistant (nip.kdca. .go.kr).
Bilang karagdagan, upang matukoy ang mga kwalipikadong tumanggap para sa pagbabakuna, maiwasan ang mga maling pagbabakuna, at matiyak ang ligtas na pagbabakuna, dapat mong dalhin ang iyong pagkakakilanlan(ID) kapag bumisita sa isang pasilidad para sa pagbabakuna.
Ang mga bata ay sinuri sa pamamagitan ng resident registration at national health insurance card, at ang mga buntis ay sinuri sa pamamagitan ng maternal notebook.
Simula sa panahong ito, upang madagdagan ang kaginhawahan ng mga nabakunahan, plano na ipakilala at gamitin ang isang Electronic Vaccination Form upang mapunan nila ang vaccination form nang kumportable sa bahay nang maaga.
Maaaring sagutan nang maaga ang electronic vaccination form sa pamamagitan ng pag-akses sa vaccination assistant website gamit ang kagamitang de-kuryente bago bumisita sa ospital.
Gayunpaman, tanging ang form bago ang pagsusuri na napunan sa araw ng pagbabakuna ang epektibo, at kung pareho kayong tumatanggap ng mga bakuna laban sa trangkaso at COVID-19 nang magkasabay, dapat punan ang isang electronic form bago ang pagsusuri para sa bawat isa.
(한국어 번역)
한국다문화뉴스 = 자넷 시민기자ㅣ질병관리청은 20일부터 내년 4월 30일까지 2024-2025절기 인플루엔자 국가예방접종을 시작한다고 19일 밝혔다.
이번 인플루엔자 국가예방접종은 올겨울 인플루엔자 유행에 대비해 인플루엔자 감염 시 중증화 위험이 큰 6개월~13세 어린이, 임신부, 65세 이상 어르신을 대상으로 무료로 실시한다.
2회 접종 대상 어린이는 20일부터 시작하며, 이후 1회 접종 대상 어린이와 임신부는 다음 달 2일에 시작한다.
특히, 65세 이상 어르신은 다음 달 11일부터 코로나19 예방접종과 같은 날에 연령대별 순차적 접종을 시작하며 두 백신의 동시 접종을 권고한다.
이번 접종은 세계보건기구(WHO) 권장주가 모두 포함된 4가 백신을 활용하며, 1170만 도스 조달 계약을 체결해 사업 대상별 접종 시행 시기 이전에 배송을 마칠 예정이다.
인플루엔자 국가예방접종 대상자가 아닌 경우에도 일선 의료기관에서 유료로 접종할 수 있으며, 접종 가능한 지정의료기관과 보건소는 예방접종도우미 누리집(nip.kdca.go.kr)에서 확인할 수 있다.
아울러 접종 대상자를 확인해 오접종을 예방하고 안전한 접종을 시행하기 위해 접종 기관 방문 때에는 신분증을 지참해야 한다.
어린이는 주민등록등본과 국민건강보험증 등, 임신부는 산모 수첩 등으로 확인한다.
이번 절기부터는 접종자의 편의를 높이기 위해 사전에 집에서도 편하게 예진표를 작성할 수 있도록 전자예진표를 도입해 활용할 예정이다.
전자예진표는 병원에 방문하기 전에 미리 전자기기로 예방접종도우미 누리집에 접속해 미리 작성할 수 있다.
다만, 접종 당일 작성한 예진표만 효력이 발생하며 인플루엔자와 코로나19 백신을 동시 접종할 경우 각각의 전자 예진표를 작성해야 한다.