Ano nga ba ang mga aktibidad na masayang gawin tuwing taglagas?
Ang aming pamilya ay masayang umaakyat ng bundok upang magcamping.
Narito ang dalawang magandang bonding na hindi nakakasawang gawin kasama ang iyong pamilya.
Pamimitas ng mansanas, ang Oktubre ay ang perpektong panahon para sa pamimitas ng mansanas. Ang mga puno ng mansanas at maaari mong tangkilikin na isang magandang araw na kasama ang iyong pamilya. Isa rin itong magandang karanasan para sa mga bata. Ang lungsod ng Yesan ang isa sa kilalang lugar na pinupuntahan ng marami para maranasan ang pamimitas ng mansanas. Ang pinakamadaling paraan ng pagpunta sa lokasyong ito ay sa pamamagitan ng kotse. Mas madali para sa mga nakatira malapit sa Camp Humphreys o Osan Air Force Base sa lungsod ng Pyeongtaek, Asan, o Cheonan.
Magpalipad ng saranggola, ang taglagas ay ang perpektong panahon para magpalipad ng saranggola. Sigurado kaming matutuwa ang iyong mga anak sa pag-aaral kung paano sila paliparin! Kapag pumili ng lokasyon, tandaan na kapsa ag mas mataas, mas mabuti. Isa sa mga sikat ng lugar ang Hwaseong fortress dito lungsod ng Suwon at isa rin ito sa lugar kung saan marami ang nagpapalipad ng saranggola tuwing taglagas dahil sa isa itong mataas na lugas at magandang lugar para makasama ang buong pamilya.