Ang ika-22 ng Nobyembre ay 'Araw ng Kimchi'. Ang Araw ng Kimchi ay isang ligal na anibersaryo na itinatag noong 2020 upang isapubliko ang halaga at kahusayan ng kimchi. Ang dahilan kung bakit ang Araw ng Kimchi ay ika-22 ng Nobyembre ay dahil ang araw na ito ng taon ay ang pinakamahusay na araw upang gumawa ng kimchi sa Korea, at ang bawat sangkap (11) na pumapasok sa kimchi ay nagtitipon upang lumikha ng isang synergistic na epekto at nagpapakita ng higit sa dalawampu't dalawa (22) bisa kaya itinalaga ito noong ika-22 ng Nobyembre.
Ang Kimchi ay isang inimbak na uri ng gulay na maaaring kainin sa loob ng mahabang panahon, at bilang isang burong pagkain, ito ay kasama na sa loob ng mahigit isang libong taon at ang pagkain na naglalaman ng espiritu ng mga Koryano. Sa kasalukuyan ay may higit sa 300 kilalang uri ng kimchi, bawat isa ay may sariling kakaibang lasa depende sa klima at rehiyon.
Ang kimchi ay isa sa pinakamahalagang pagkain sa ating diyeta bilang isang buro na pagkain na mas masustansya kaysa sa mga hilaw na sangkap sa pamamagitan ng proseso ng pagburo at ito ay mabisa sa pagpigil at pagsugpo sa kanser, pagtanda, at labis na katabaan.
Kung titingnan ang iba't ibang epekto o bisa ng kimchi, mayroong mga epekto na panlaban sa pagiging mataba, panlaban sa kanser, pagpapababa ng kolesterol, pagpapahusay ng pansanggalang sa sakit, at pagpapabuti ng paggana ng bituka. Dahil ang kimchi ay kumbinasyon ng iba't ibang gulay, bawang, pulbos ng pulang sili, at luya.
Sa pagdiriwang ng Araw ng Kimchi, ang Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs ay nagsasagawa ng iba't ibang mga kaganapan na may kaugnayan sa kimchi tulad ng Kimchi Fair, Korea Kimchi Festival, Kimchi Master Chef Contest, at Kimchi Seminar upang itaguyod ang kahusayan o bisa ng kimchi sa bahay at sa ibang bansa. Bilang karagdagan, kasama ang Korean Food Promotion Agency, mula Setyembre hanggang Oktubre 6, nagsagawa ang 'Korean food one-day tour para sa mga dayuhan' sa ikalawang kalahati ng taon na may temang kimchi.
Ang Korean food one-day tour na para sa mga dayuhan ay isang proyektong isinulong upang muling pasiglahin ang turismo ng lokal na pagkain. Humigit-kumulang 338 dayuhan mula sa 48 bansa ang lumahok sa kaganapan, na nagpalaganap ng espesyal na husay ng kimchi at Korean food.
Inihayag ng Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs ang planong isapubliko ang mahusay na kalidad at kaligtasan ng kimchi sa mga tao sa buong mundo at magpalaganap ang iba't ibang mga paraan ng pagluluto upang ito ay tangkilikin ayon sa lokal na panlasa.
(한국어 번역)
한국다문화뉴스 = 데스 시민기자ㅣ11월 22일은 '김치의 날'이다. 김치의 날은 김치의 가치와 우수성을 알리기 위해 2020년에 제정된 법정기념일이다. 김치의 날이 11월 22일인 이유는 우리나라에서 이맘때가 김장하기에 가장 알맞은 시기이며, 김치에 들어가는 재료 하나하나(11)가 모여 시너지효과를 내어 스물두 가지(22) 이상의 효능을 보인다 하여 11월 22일로 지정되었다고 한다.
김치는 채소를 오래 먹기 위한 절임 음식으로 개발되어 발효과학 식품으로 천년이 넘게 함께 하면서 한국인의 영혼이 담긴 음식이다. 현재 알려진 종류만 300가지가 넘을 정도로 김치는 기후와 지역 등에 따라 각각 독특한 맛을 가지고 있다.
김치는 발효과정을 통해 원재료보다 영양이 풍부하게 변신하며, 암과 노화, 비만 등의 예방과 억제에 효과적인 슈퍼 발효 음식으로 우리 식생활에서 가장 중요한 음식 중 하나다.
김치의 다양한 효능에 대해서 알아보면 항비만 효과와 항암 효과, 콜레스테롤 개선 효과, 면역력 증진과 장 기능 개선 효과 등이 있다. 김치는 각종 채소와 마늘, 고춧가루, 생강 등이 어우러져 있는 식품이기 때문이다.
농림축산식품부는 김치의 날을 맞이하여 김치의 우수성을 국내외에 홍보하기 위한 김치 품평회, 코리아 김치 페스티벌, 김치 마스터 셰프 선발대회, 김치 세미나 등 다양한 김치 관련 행사들도 진행하고 있다. 또 한식진흥원과 함께 지난 9월부터 10월 6일까지 김치를 주제로 하반기 ‘외국인 대상 한식 원데이투어’ 행사를 개최하기도 했다.
외국인 대상 한식 원데이투어은 국내 음식 관광 활성화를 위해 추진하는 사업으로 장, 김치 등 한식을 유명 셰프와 식품 명인에게 배우고 함께 만들어보는 체험형 프로그램이다. 48개국 338여 명의 외국인이 참여하는 등 김치와 한식의 특별한 매력을 널리 알렸다.
농림축산식품부는 우리 김치만이 가지는 우수한 품질과 안전성을 전 세계인에게 널리 알리며, 현지 입맛에 맞춰 즐길 수 있도록 다양한 조리법을 홍보해나갈 계획이라 전했다.