2024.11.20 (수)

  • 흐림동두천 3.2℃
  • 구름조금강릉 11.4℃
  • 흐림서울 6.3℃
  • 구름많음대전 6.3℃
  • 구름조금대구 9.2℃
  • 맑음울산 10.7℃
  • 구름조금광주 9.5℃
  • 맑음부산 12.4℃
  • 맑음고창 8.3℃
  • 제주 11.8℃
  • 흐림강화 5.3℃
  • 구름많음보은 4.0℃
  • 맑음금산 4.7℃
  • 흐림강진군 10.6℃
  • 구름많음경주시 9.7℃
  • 구름많음거제 11.6℃
기상청 제공

타갈로그어

Pag-isyu ng kupon ng diskwento para sa akomodasyon sa buong bansa at maglakbay na may tulong na hanggang 30,000 won

전국 숙박할인권 발급, 최대 3만원 지원 받고 여행가요

860860840.jpg

 

 

Inihayag ng Ministri ng kultura,Palakasan at Turismo((Ministry of Culture, Sports and Tourism) at Organisasyon ng Turismo ng Korea(Korea Tourism Organization) na maglalabas sila ng kupon ng diskwento para sa akomodasyon sa buong bansa. Plano ng Ministri ng kultura,Palakasan at Turismo((Ministry of Culture, Sports and Tourism) at Organisasyon ng Turismo ng Korea(Korea Tourism Organization) na magbigay ng mga kupon na maaaring may diskuwento mula 20,000 hanggang 30,000 won kapag nagpareserba  ng mga lokal na akomodasyon sa pamamagitan ng online sa 49 na ahensya para sa paglalakbay.


Ang mga kupon ng diskwento ay ibinibigay sa unang dumating, unang paglilingkuran o first come first served  hanggang ika-8 ng susunod na buwan, at awtomatikong mag-tatapos kung hindi ginamit (reserba) sa loob ng kaukulang panahon (mula 10:00 hanggang 7:00 ng umaga sa susunod na araw). Para sa mga hindi gumamit, ang natitirang mga kupon ng diskwento ay maaaring ibigay muli mula 10 ng umaga sa susunod na araw. Ang panahon ng reserbasyon ay hanggang Hunyo 6.

  

Kung ang halaga ng akomodasyon ay mas mababa sa 70,000 won, maaari kang gumamit ng 20,000 won na kupon ng diskwento, at kung ang halaga ng akomodasyon ay lumampas sa 70,000 won, maaari kang gumamit ng 30,000 won na kupon ng diskwento. Ang mga pasilidad kung saan inilalapat ang diskwento ay mga lokal na akomodasyon tulad ng mga hotel, condo, resort, pension, rural guest house, at motel. Ang mga kupon ng diskwento ay hindi maaaring gamitin para sa mga hindi rehistradong akomodasyon at rental room.

 

Plano ng Ministri ng kultura, Palakasan at Turismo((Ministry of Culture, Sports and Tourism) at Organisasyon ng Turismo ng Korea(Korea Tourism Organization) na palawakin ang isang eco-friendly na kultura ng paglalakbay kaugnay ng kupon ng diskwento para sa akomodasyon, at magtatag ng dedikadong sistemang sumusuporta para sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagbubukas ng pagpapayo sa telepono at Kakao Talk channel para sa mga parokyanong may mga kapansanan. Bilang karagdagan, ang mga maliliit at katamtamang laki ng mga ahensya sa paglalakbay (13 kumpanya) ay patakbuhin upang suportahan ang pagsulong ng mga maliliit at katamtamang laki ng mga ahensya sa paglalakbay.

 

Para sa karagdagang impormasyon kung paano gamitin ang kupon ng diskwento, issuance channel, karagdagang benepisyo, atbp., mangyaring tingnan ang pahina ng impormasyon na kupon ng diskwento para sa akomodasyon sa website ng Organisasyon ng Turismo ng Korea(Korea Tourism Organization). 

  

Samantala, ang Ministri ng kultura, Palakasan at Turismo(Ministry of Culture, Sports and Tourism) ay nag-labas ng komprobanteng diskwento para sa bahay-panuluyan o lodging discount voucher sa humigit-kumulang 780,000 katao noong Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon upang muling pasiglahin ang lokal na turismo, na ang benta ay nagresulta ng halagang KRW 94.4 bilyon  at konsumo sa paglalakbay na KRW 310.8 bilyon, na malaking kontribusyon sa pagsulong ng ang lokal na ekonomiya.




(한국어 번역)

한국다문화뉴스=가날루우테스 시민기자ㅣ 문화체육관광부와 한국관광공사는 전국 숙박할인권을 발급한다고 밝혔다. 문체부는 온라인 여행사 총 49곳을 통해 국내 숙박시설을 예약할 때 2만∼3만원을 할인받을 수 있는 쿠폰을 지급할 예정이다.

  

할인권은 다음 달 8일까지 1인당 1회 선착순으로 발급하고, 유효기간(매일 오전 10시부터 다음날 오전 7시까지) 안에 사용(숙박 예약)하지 않으면 자동 소멸한다. 미사용자의 경우에는 다음날 오전 10시부터 남은 숙박 할인권을 재발급받을 수 있다. 예약할 수 있는 숙박 기간은 오는 6월 6일까지다.

  

숙박비 7만 원 이하일 경우에는 2만 원 할인권, 숙박비 7만 원 초과 때에는 3만 원 할인권을 사용할 수 있다. 할인이 적용되는 시설은 호텔, 콘도, 리조트, 펜션, 농어촌민박, 모텔 등 국내 숙박시설이다. 미등록 숙박시설과 대실에는 할인권을 사용할 수 없다.

 

문체부와 한국관광공사는 이번에도 숙박 할인권과 연계해 친환경 여행문화를 확산하고, 장애인 고객을 위한 전화 상담실과 카카오톡 채널을 개설해 장애인 전담 지원체계를 구축할 예정이다. 또한, 중소여행사 판촉 지원을 위한 중소전문관(13개사)도 운영할 계획이다.


할인권 사용 방법, 발급 채널, 추가 혜택 등 더 자세한 내용은 한국관광공사 대한민국구석구석 누리집 내 숙박할인권 안내페이지에서 확인할 수 있다.

  

한편, 문체부는 지난해 11~12월에 지역관광을 활성화하기 위해 78만여 명을 대상으로 숙박할인권을 발급해 매출액 944억 원, 여행소비액 3108억 원으로 이어져 내수경기 진작에 크게 기여한 바 있다.