Ang Tuspirina o ubong dalahit ay isang laganap na sakit sa paghinga na dulot ng impeksyon ng pertussis bacteria, at kasama sa mga sintomas ang pag-ubo nang higit sa 14 na araw na sinamahan ng tunog sa 'paghinga', mga kombulsyon, at pagsusuka. Ang dami ng mga namamatay ay mas mataas sa mas batang edad, ngunit ang insidente ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Q1. Ano ang mga sintomas ng tuspirina o ubong dalahit?
A. Ang incubation period para sa tuspirina o ubong dalahit ay karaniwang 7 hanggang 10 araw(minimum na 4 na araw hanggang maximum na 21 na araw), at bagama't iba-iba ang mga sintomas, umuusad ito sa tatlong pangunahing stage(yugto) at hindi malubhang lagnat.
· Catarrhal Stage (1-2 linggo): runny nose, pagbahing, mahinang ubo, atbp.
· Paroxysmal Stage (4 na linggo o higit pa): Napakatinding ubo, tunog na may halak(whoop) kapag humihinga, atbp.
· Convalescent stage(2-3 linggo): Unti-unting bumababa at nawawala ang paroxysmal(bugso) ng ubo sa loob ng 2-3 linggo.
Q2. Kung ang tuspirina o ubong dalahit ay laganap sa lugar, dapat bang magpabakuna sa Tdap ang mga buntis na kababaihan?
A. Anumang pagkalat, ang pagbabakuna ng Tdap ay inirerekomenda para sa mga buntis na kababaihan na hindi pa nakatanggap ng bakuna sa Tdap. Inirerekomenda ang pagbabakuna sa pagitan ng 27 at 36 na linggo ng pagbubuntis, at kung hindi maaari ang pagbabakuna sa panahon ng pagbubuntis, ang pagbabakuna ay inirerekomenda kaagad pagkatapos ng panganganak.
Inirerekomenda din ang pagbabakuna para sa mga pamilyang nag-aalaga ng mga sanggol at batang wala pang isang taong gulang.
Q3. Paano ang pagbabakuna sa panahon ng epidemya ng tuspirina o ubong dalahit?
A. Sa panahon ng paglitaw ng tuspirina o ubong dalahit, ang pagbabakuna ng DTaP ay inirerekomenda para sa mga sanggol(after 6 weeks old) hanggang sa mga wala pang 7 taong gulang, na pinatnubayan nang 3 beses nang hindi bababa sa pagitan ng 4 na linggo. Ang mga miyembro ng pamilya at mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga sanggol na wala pang 12 buwang gulang ay inirerekomenda din na tumanggap ng bakuna sa Tdap kung hindi pa sila nakatanggap ng bakuna sa Td, at maaaring mabakunahan nang walang anumang espesyal na agwat mula sa nakaraang bakuna sa Td.
Q4. Pinayuhan na magpabakuna dahil laganap ang tuspirina o ubong dalahit sa lugar. Mayroon bang suporta para sa gastos?
A. Ang mga gastos sa pagbabakuna na may kaugnayan sa mga epidemya ay sinusuportahan sa mga karapat-dapat para sa pansamantalang pagbabakuna(grupo ng epidemya o grupong may mataas na panganib, atbp.) at sa mga napapailalim sa National Immunization Project(edad 12 taong gulang o mas bata).
Q5. Kung ang isang mag-aaral na na-diagnose na may tuspirina o ubong dalahit ay patuloy sa pagubo kahit na tapos ng uminom ng antibiotics para sa tiyak na tagal ng panahon, maaari ba siyang bumalik sa paaralan?
A. Ang panahon ng pag-inom ng bawat antibiotic ay iba-iba, ngunit kapag umiinom ng antibiotic na epektibo laban sa tuspirina o ubong dalahit(azithromycin, clarithromycin), ang pagbubukod sa sarili(pagpigil sa pagpasok sa paaralan) ay 5 araw pagkatapos uminom ng antibiotic bago bumalik sa paaralan. Gayunpaman, dahil maaaring kailanganin ang hiwalay na paggamot para sa mga sintomas, inirerekomenda na kumonsulta ang mga mag-aaral sa isang institusyong medikal bago magpasya kung papasok sa paaralan.
Q6. Paano dapat na tumugon sa mga taong may nakakahawang sakit sa loob ng eroplano?
A. Sa distansya, may kabuuang 5 row, 2 row bawat isa sa harap at likod, kabilang ang row ng mga pasaherong sumakay kasama ng pasyenteng may nakakahawang sakit, at ang mga kasama sa boarding pass ay sinuri bilang malapit na nakasalamuha.
Q7. Ano ang mga patakaran para maiwasan ang tuspirina o ubong dalahit?
A. Ang pagbabakuna ay pinakamahalaga ayon sa iskedyul ng bakuna, at dapat isagawa ang wastong paghuhugas ng kamay at pag-ubo. Gayundin, mag-ventilate nang madalas sa loob ng bahay at iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong, at bibig ng hindi naghuhugas ng mga kamay. Kung mayroon kang mga sintomas ng pag-ubo, magsuot ng mask at bisitahin ang isang institusyong medikal upang makatanggap ng paggamot.
(한국어 번역)
한국다문화뉴스 = 자넷 시민기자ㅣ백일해는 백일해균 감염에 의한 급성 호흡기 질환으로 ‘흡’ 하는 소리나 발작, 구토 등이 동반된 14일 이상의 기침 증상을 보인다. 연령이 어릴수록 사망률이 높지만, 예방 접종으로 발생을 감소시킬 수 있다.
Q1. 백일해의 증상은?
A. 백일해의 잠복기는 일반적으로 7~10일(최소 4일~ 최장 21일)이며, 증상은 다양하지만 크게 3가지 단계로 진행되고 발열은 심하지 않다.
· 카타르기(1~2주) : 콧물, 재채기, 가벼운 기침 등
· 경해기(4주 이상) : 매우 심한 기침, 숨을 들이쉴 때 (Whoop) 소리 등
· 회복기(2~3주) : 발작성 기침이 서서히 줄면서 2~3주 내 사라짐
Q2. 거주하는 지역에 백일해가 유행할 경우 임신부는 Tdap 백신 접종을 받아야 하나?
A. 유행과 상관없이 과거 Tdap 백신 접종력이 없는 임신부에게 Tdap 백신 접종은 권장되고 있다. 임신 27∼36주 사이의 접종이 권장되며 임신 중에 접종하지 못한 경우는 분만 후 신속하게 접종할 것을 권장한다. 그 외 1세 미만 영유아를 돌보는 가족에게도 접종이 권장된다.
Q3. 백일해 유행 시기에 어떻게 예방접종을 해야 하나?
A. 백일해 유행 시 영아(생후 6주 이후)부터 7세 미만의 경우, DTaP 백신 접종을 권장하며 최소 4주 간격으로 3회 접종한다. 12개월 미만 연령의 영유아를 돌보는 가족 및 의료 종사자도 과거에 Tdap 백신 접종을 받지 않았다면 Tdap 백신 접종을 권장하며, 이전 Td 백신 접종과 특별한 간격을 유지하지 않고 접종할 수 있다.
Q4. 거주 지역에 백일해가 유행이라 백신 접종을 권고받았다. 비용 지원이 되나?
A. 유행과 관련된 예방접종 비용 지원은 임시예방접종 대상자(유행 집단 또는 고위험군 등), 국가예방접종사업 대상자(만 12세 이하)이다. 이 외 대상은 비용 지원이 되지 않는다.
Q5. 백일해 확진된 학생이 항생제를 정해진 기간 동안 복용했는데도 기침이 나는 경우, 등교가 가능한가?
A. 항생제별 복용 기간은 다르지만, 백일해에 유효한 항생제(azithromycin, clarithromycin) 복용 시 격리(등교 중지) 기간은 항생제 복용 후 5일 경과 후에 등교가 가능하다. 다만 증상에 대한 별도의 치료가 필요할 수 있으니 의료기관 상담 후 등교 여부를 결정하도록 안내하는 것이 좋다.
Q6. 비행기에서 전염기 환자에 노출된 사람들에 대해서는 어떻게 대처해야 하나?
A. 공간적으로는 전염기 환자 탑승 열 포함 앞·뒤 각 2열씩 총 5열을 기본적인 밀접접촉자로 분류하고, 동행자는 탑승 위치에 상관없이 밀접접촉자에 포함되며 역학조사를 통하여 밀접접촉에 해당되는 사람들을 추가할 수 있다.
Q7. 백일해의 예방 수칙은?
A. 접종 일정에 맞춘 예방접종이 가장 중요하고, 올바른 손씻기의 생활화, 기침예절 실천해야 한다. 또한 실내에서는 자주 환기하고, 씻지 않은 손으로 눈, 코, 입 만지지 않는다. 기침 증상이 있는 경우 마스크 착용하고 의료기관 방문해 진료받는다.