Sa mainit at mahalumigmig na panahon, mas madaling kumalat ang mga amag. Ito ay madalas nangyayari sa mga butil na mayaman sa carbohydrate, beans, at mani. Ang mga mycotoxin ay lumalaban sa init at hindi nasisira sa panahon ng proseso ng pagluluto kahit na alisin ang inaamag na bahagi, ang mga hindi nakikitang spores o lason ay maaaring kumalat, kaya pinakaligtas na itapon ang buong produkto.
Ang mycotoxin ay lason na dulot ng amag kung ang mga butil, beans, nuts, atbp. ay hindi naiimbak nang tama sa isang mataas na temperatura at mahalumigmig na kapaligiran, ang paglitaw ng panganib maaaring tumaas.
Ang mycotoxin ay pangunahing nangyayari sa mga butil na mayaman sa carbohydrate, beans, at mani. Ang pagkain ng mga lason na galing sa amag ay maaaring magdulot hindi lamang ng mga sintomas tulad ng pananakit ng tiyan at pagsusuka, kundi pati na rin ang iba't ibang sakit tulad ng sakit sa bato at sakit sa atay.
Kung ang anumang amag ay dumami, pinakaligtas na itapon ang buong produkto. Ito ay dahil lumalaban sa init at hindi maaaring masira sa panahon ng normal na proseso ng pagluluto, at kahit na alisin ang amag, ang mga hindi nakikitang spores o lason ay maaaring kumalat sa buong pagkain.
Upang maiwasan ang mga lason dulot ng amag, mas mainam na bumili lamang kung kinakailangan kaysa maramihan, at pagkatapos mabuksan, mas mahusay na hatiin ang natitirang produkto sa maliliit na bahagi at panatilihing selyado. Pinakamainam na mag-imbak ng mga butil, mani, atbp. sa isang malamig o hindi mahalumigmig na lugar(10~15°C na temperature at 60% na halumigmig). Pinakamainam na mag-imbak ng mga pagkaing may mga shell o balat na hindi nabubulok, tulad ng mais at mani. Gayundin, pinakamahusay na huwag kumain ng mga pagkaing may mga batik na pinaghihinalaang may amag at itapon ito.
(한국어 번역)
한국다문화뉴스 = 자넷 시민기자고온다습한 날씨일수록 곰팡이는 쉽게 퍼진다. 특히 탄수화물이 풍부한 곡류, 두류, 견과류 등에서 발생한다. 곰팡이독소는 열에 강해 조리과정에도 파괴되지 않고, 곰팡이가 생긴 부분을 제거하더라도 눈이 보이지 않는 포자나 독소가 퍼져있을 수 있어 전량 폐기하는 것이 가장 안전하다.
곰팡이독소란 곰팡이가 생산하는 독소로 주로 곡류, 두류, 견과류 등을 고온다습한 환경에서 잘못 보관할 경우 발생 위험이 증가하며 섭취 시 각종 질환을 유발할 우려가 있어 각별한 주의가 필요하다.
곰팡이독소는 주로 탄수화물이 풍부한 곡류, 두류, 견과류 등에서 발생한다. 곰팡이독소를 섭취할 경우 복통, 구토 등 증상 뿐만 아니라 신장질환, 간질환 등 각종 질병을 유발할 수 있다.
곰팡이가 조금이라도 폈다면 전량폐기 하는 것이 가장 안전하다. 열에 강해 일반적인 조리과정에서 완전히 파괴 불가하고 곰팡이 부분을 제거하여도 눈에 보이지 않는 포자나 독소가 식품 전체에 퍼져있을 수 있기 떄문이다.
곰팡이독소 예방법으로는 대용량 구매보다 필요한 만큼 구매하는 것이 좋고, 개봉 후 남은 것은 소분하여 밀봉 보관하는 것이 좋다. 곡류, 견과류 등은 온도가 낮고 습하지 않은 곳에 보관(온도 10~15C, 습도 60%)에서 보관하는 것이 좋다. 옥수수, 땅콩 등 껍질이 있는 식품은 껍질째 보관하는 것이 좋다. 또 곰팡이로 의심되는 반점이 있는 식품은 절대 먹지 말고 버리는 것이 좋다.