Habang bumaba ang kabuuang fertility rate ng Korea sa 0.778, pinalalakas ng gobyerno ang pagpapatupad ng iba't ibang patakaran sa populasyon upang madaig ang mababang datos ng kapanganakan. Sa partikular, may mga patakaran na mainam na malaman ng mga magiging magulang, at iyon ay ang 'First Meeting Voucher'.
Ang First Meeting Voucher ay isang voucher na sinusuportahan ng estado o lokal na pamahalaan alinsunod sa 'Basic Act on Low Birth Rate and Aging Society', na binago mula Abril ng nakaraang taon. Upang mapagaan ang pasanin ng pagpapalaki ng mga bata, nalalapat ito sa mga batang ipinanganak pagkatapos ng Enero 1, 2022, na nairehistro sa kapanganakan at naitalaga nang maayos ang numero ng pagpaparehistro ng residente.
Ang suporta ay binabayaran sa ilalim ng National Happiness Card voucher points, at bilang eksepsiyon, ang pagbabayad ng salapi ay posible para sa mga bata na karapat-dapat para sa suporta at protektado sa mga pasilidad ng pangangalaga ng bata. 2 milyong won sa National Happiness Card voucher points ang babayaran. Maaaring gawin ang mga aplikasyon sa website ng Bokjiro (https://www.bokjiro.go.kr).
Bilang karagdagan, ang estado o mga lokal na pamahalaan ay maaaring magsagawa ng iba't ibang mga proyekto ng suporta upang mapagtagumpayan ang kawalang kakayahang magkaanak alinsunod sa 'Maternal and Child Health Act', isang kinatawan na halimbawa ay ang 'Infertility Treatment Cost Support Project'.
Sa kaso ng Gyeonggi-do, ang proyektong ito ay nagbibigay ng suporta para sa kabuuang 21 na gastos sa paggamot hanggang sa 1.1 milyong won bawat paggamot para sa lahat ng mga magasawang nahihirapang magkaanak. Ito ay isang proyekto upang maibsan ang pasanin sa mga pamilyang nahihirapang magkaanak at mapabuti ang datos ng kapanganakan.
Kabilang sa mga karapat-dapat para sa suporta ang mga mag-asawang nahihirapang magkaanak na nakatira sa Gyeonggi-do nang higit sa anim na buwan, kabilang ang mga common-law marriage o magkalive-in. Kasama sa suporta ang gastos na binayaran ng pangsariling pera, pagbabayad, at buong gastos na binayaran gamit ang sariling pera para sa mga pamamaraan ng artipisyal na pagbubuntis. Maaari kang mag-apply online sa website ng Gobyerno 24 o sa pamamagitan ng pagbisita nang personal sa lokal na pampublikong sentro ng kalusugan.
Ang Ministri ng Kalusugan at Kapakanan ay nagsasagawa ng mga proyektong pangsuporta para sa mga pamilyang may mababang kita upang hindi lamang maging isang malaking pasanin hindi lamang ang suporta sa panganganak kundi pati na rin ang mga gastusin sa mga diaper at gatas na kailangan sa pagpapalaki ng mga sanggol.
Alinsunod sa 'Basic Act on Low Birth Rate and Aging Society', ang pambansa at lokal na pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran upang maibsan ang pasanin sa ekonomiya ng pagbubuntis, panganganak, pangangalaga sa bata, at edukasyon ng mga bata. Ang target na populasyon ay ang mga pangunahing tumatanggap ng seguridad sa kabuhayan na may mga sanggol na wala pang 2 taong gulang; Kabilang dito ang pangalawang pinakamababang klase, mga pamilyang nag-iisang magulang, mga sambahayang may mga kapansanan na kumikita ng mas mababa sa 80% ng karaniwang median na kita, at mga sambahayan na may maraming anak.
Ang suporta ay 80,000 won kada buwan para sa dalawang taon para sa halaga ng pagbili ng mga diaper. Bilang karagdagan, ang karagdagang 100,000 won ay ibibigay para sa mga gastos sa gatas para sa mga karapat-dapat para sa diaper support project, tulad ng mga bata sa child welfare facility, foster care, at mga batang karapat-dapat para sa pag-aampon. Ang mga aplikasyon ay maaaring gawin sa lokal na pampublikong sentro ng kalusugan o sa Pamahalaan 24.
Mayroon ding mga batas na isinasaalang-alang ang mga buntis pagdating sa trabaho. Ayon sa Labor Standards Act, ang mga employer ay dapat lumikha ng isang kapaligiran sa pagtatrabaho na makonsiderasyon sa mga buntis na kababaihan.
Alinsunod dito, ang mga buntis na kababaihan sa loob ng 12 linggo ng pagbubuntis at mga buntis na malapit nang manganak pagkatapos ng 36 na linggo ng pagbubuntis ay maaaring magtrabaho sa kanilang oras ng pagtatrabaho na bawasan ng hanggang 2 oras bawat araw.
Bilang karagdagan, ang mga buntis na manggagawa ay maaaring mapanatili ang kanilang pang-araw-araw na oras ng pagtatrabaho ngunit baguhin o bawasa ang kanilang oras ng pag-tatrabaho.
Anuman ang haba ng serbisyo, uri ng trabaho, o trabaho ng manggagawa, sinumang buntis na nakakatugon sa mga kinakailangan sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring mag-apply sa kanyang employer, at dapat itong payagan ng employer.
(한국어 번역)
한국다문화뉴스 = 데스 시민기자ㅣ대한민국 합계출산율이 0.778명으로 하락하며 정부는 저출산 극복을 위한 다양한 인구정책 추진을 강화하고 있다. 특히, 예비 부모가 알아두면 좋은 정책들이 있는데 ‘첫만남 이용권’이 바로 그것이다.
첫만남 이용권은 지난해 4월부터 개정된 ‘저출산·고령사회기본법’에 따라 국가나 지방자치단체에서 지원해주는 이용권이다. 아동 양육 부담을 덜어 주기 위해 2022년 1월 1일 이후 출생아로서 출생신고되어 정상적으로 주민등록번호를 부여받은 아동을 대상으로 한다.
지원은 국민행복카드 바우처 포인트로 지급되며 아동양육시설에서 보호하고 있는 지원대상 아동에는 예외적으로 현금 지급이 가능하다. 국민행복카드 바우처 포인트 200만 원을 지급한다. 신청은 복지로 홈페이지(https://www.bokjiro.go.kr)에서 가능하다.
이외에도 국가나 지방자치단체는 ‘모자보건법’에 따라 난임 극복을 위한 다양한 지원 사업을 할 수 있는데, 대표적으로 ‘난임 시술비 지원 사업’이 있다.
이 사업은 경기도의 경우, 모든 난임부부에 시술별로 1회당 최대 110만 원까지 총 21회의 시술비를 지원하는 사업으로 난임 가정의 부담을 해소하고 출산율을 제고하기 위한 사업이다.
지원 대상은 6개월 이상 경기도에 거주한 난임부부로 사실혼을 포함한다. 지원은 인공수정 시술비 중 일부 본인부담금과 비급여 및 전액 본인부담금을 지원한다. 신청은 정부24 홈페이지에서 온라인으로 신청하거나 주소지 관할 보건소에 직접 방문하여 신청할 수 있다.
출산 지원뿐 아니라 영아를 양육할 때 필요한 기저귀, 분유 비용 등이 큰 부담으로 작용하지 않도록 보건복지부는 저소득층을 대상으로 지원 사업을 실시 중이다.
‘저출산·고령사회기본법’에 따라 국가 및 지방자치단체는 자녀의 임신·출산·양육 및 교육에 소요되는 경제적 부담을 완화하기 위한 시책으로, 대상은 2세 미만의 영아를 둔 기초생활보장수급자, 차상위계층, 한부모가족 수급 가구와 기준중위소득 80% 이하의 장애인, 다자녀 가구 등이다.
지원은 기저귀 구입비 명목으로 2년간 매월 8만 원씩 지원한다. 또한 기저귀 지원 사업 대상자 중 아동복지시설, 가정위탁보호, 입양대상 아동 등 일부를 대상으로는 분유비 10만 원이 추가로 지원한다. 신청은 관할 보건소, 혹은 정부24에서 가능하다.
근로에 있어서 임신부를 배려하는 법도 있다. ‘근로기준법’에 따르면 고용주는 임신부를 배려한 근로 환경을 조성해야 한다고 명시했다.
이에 임신 12주 이내인 초기 임신부와 임신 36주 이후로 출산이 임박한 임신부는 근로 시간을 1일 최대 2시간 단축해 근무할 수 있다. 아울러 임신부 근로자는 1일 근로 시간은 유지하되 출퇴근 시간을 변경해 근무할 수 있다.
근로자의 근속 기간, 근로 형태, 직종과 관계없이 임신 기간의 조건을 만족하는 임신부라면 누구나 고용주에게 신청할 수 있으며, 고용주는 이를 반드시 허용해야 한다.